Alay Kay Kasamang Jose Maria Sison, 84

poem

Taas kamaong pagpupugay
Rebolusyonaryong pagpaparangal
Sa iyong kadakilaan, Ka Joma
Matalino at magiting na lider ng Partido Komunista ng Pilipinas
Matapang na mandirigma ng proletaryado,
Ng masa ng sambayanan at sangkatauhan.
Hawak nang mahigpit, Marxismo-Leninismo-Maoismo.

Nagmula ka man sa uring nakaririwasa
Iyo itong tinalikdan
Namulat, niyakap, nagtanggol, namuno
Sa pakikibaka ng proletaryado at mga api
Ng ating Inangbayan at gayunding
Nakapag-ambag sa pagsusulong ng daigdigang
Kilusang anti-imperyalista at demokratiko.

Kasama, lagi kang buhay sa aming ala-ala
Sa bawat pagsalong, sa bawat tagumpay
Ng pambansa-demokratikong rebolusyon
Tungong sosyalismo at komunismo.
Lagi’t lagi kang mahalagang bahagi
Bilang tanglaw sa landas na tinatahak.
Paalam at Mabuhay ka, Ka Joma!

Tay Jun
30 Enero 2023
Seldang Bilangguan

Paalam at Mabuhay ka