Hindi Nakakulong ang Rebolusyon

poem

Nadakip, halos batalyong mga tropa Hawak, matataas na kalibreng sandata Nanlilisik, mga matang nais manlapa Nakangisi, imbing mga labi at labas dila.

Ngayon, hawak na ng estadong gahaman Isang mandirigmang alay sa sambayanan. “Ikaw nga, noon ka pa namin nais madakma”, Anilang magkahalo ang galit at tuwa.

Maraming taon, sinuong ang malulupit Na atake ng mga pasistang bayaran Gamit mga modernong armas Mga estratehiya, taktika at teknolohiya.

Ngayong kapit ng duguang kamay Ng estadong katunggali Nasa ibang teatro ngayon ang labanan Laban ito ngayon ng mga ideya at kaisipan.

Ibinuhos, mga paraan nilang sikolohikal Upang talikuran ang kilusan o ilugmok Ang kapasyahang ipagpatuloy, ang dakilang mithiin Bigong-bigo sila, mga sakim sa kapangyarihan.

Kulungan