Manipesto: Tugon sa Tatlong Trahedya
poem24/7, lagi na lamang nakakubabaw,
Tagos-tagos sa mga kalamuan,
Sagad-sagad hanggang buto,
Mula sa ulo hanggang paa:
Ang tatlong trahedya ng
Imperyalismong US, Pyudalismo’t
Burukratang kapitalismo
sa buhay ng sambayanang Pilipino.
Walang tunay na kalayaan sa
mga sakim na dayuhang
sumisipsip at pumipiga
sa yamang-lupa at lika ng bayan.
Walang tunay na demokrasya
at karapatang sapat na mabuhay
mula sa sariling pananim
sa lupang inaruga ng kawawang dukha.
Walang tunay na karapatang kabuhayan
sa sariling paggawa sa mga pabrika
at serbisyo ng mga manggagawa.
Walang tunay na karapatang mabuhay
nang sapat ang marami pang mamamayan
dulot ng pagkakait ng mga mapagsamantala.
Walang tunay na karapatang pampulitika
ang mga demokratikong uri na
inagawan ng kapangyarihan ng
iilang nasa tuktok ng lipunan.
Walang tunay na estadong bayan
ang mga mamamayang binusabos,
inalipin at dinambong ang kabang-yaman.
Mga kababayang inaapi at pinagsasamantalahan
tawag ng panahong wastong harapin na
ang tatlong trahedyang ito na salot ng
sambayanang Pilipino.
Ngayon na!