Paano Ginapi ni Lapu-lapu si Magellan?

poem

Higit 500 taon na mula nang maganap ang
Makasaysayang labanan sa Mactan
Hudyat ito ng noo’y namumunong
Bayang Pilipinas
Laban sa mananakop na mga dayuhan
Sa dakong Perlas ng Silanganan.

Pinakilos ni Datu Lapu-lapu ang
Higit libong katutubong mandirigma
Magiting na nagtanggol sa lupain at yamang
Layong dambungin ng mga sakim
Naganap ang madugong bakbakan ng
Mga masang katutubo at sandatahang dayo.

Isa pang ginintuang aral kung paanong
Ginapi ni Lapu-lapu si Magellan.
Si Lapi-lapu, hindi nasindak
Sa tigas ng bakal na suot ni Magellan
Samantalang si Magellan, nasilaw at napatulala
Sa kinang ng ginto na taglay ni Lapu-lapu.

Lapu-lapu vs Magellan