Paggunita sa Catbalogan 10 Masaker Noong 21 Agosto 2022

poem

Nadakip sa Tsekpoint ng militar sa tabing baybay
Patungong Catbalogan ang sampung mga kasama
Lulan ng dalawang sasakyan.

Dinala sa isang lihim na lugar
At doon pinagbubugbog, buong lupit ang pagpapahirap
Hanggang sila ay malagutan ng hininga.

Upang pagtakpan ang karumal-dumal na krimen
Isinakay ang mga bangkay sa isang bangka
At pinasabog sa karagatan.

Ikinalat ang pekeng balita na umano’y
Nagkaroon ng labanan sa laot
At naganap ang isang pagsabog.

Pinapangaralan, dinadakila, at ginugunita ang mga biktima
Ng maraminhang pagpaslang
Isang taon na ang nakalipas sina:

Benito “Ka Laan” Tiamzon
Wilma “Ka Bagong-Tao” Austria-Tiamzon
At walo pang mga bayaning-martir.

Ang pagtatagumpay ng Pambansa-Demokratikong Rebolusyon
Patungong Sosyalismo ay tiyak na matatamo
Sa hinaharap para sa sambayanang Pilipino.

Gaano man kabigat ang mga sakripisyo
Gaano man kahirap ang landas ng pakikibaka
Nasa mamamayan ang tagumpay sa kahuli-hulihan!

Mabuhay ang mga bayaning-martir!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
Sulong tungong tagumpay!

Tay Jun
Mula sa Selda ng
81ID, PA HQ
Catbalogan City, Samar

August 21, 2022