Palpak na, Pulpol pang Pamana

poem

Buong kahambugan na ipinangalandakan
Ng mga bayarang alipures ng dumaang rehimen
Ang diumanong iniwan nitong trono
Bilang pangulo ng bayang Pilipino.

Isang tirano at papet na demagogo kilos-sanggano
Ang naghari-harian na umangkin sa kapangyarihan
Nanlinlang sa taumbayan at nandambong sa kabang-yaman
Malupit at nagpapatay sa maraming mamamayan
Inakusahan ng gawa-gawang kasalanan.

Masugid na nagsilba sa mga uring sobrang yaman
Itinaguyod ang estadong sakim at gahaman
Tagasunod ng mga dayuhang monopolyo kapitalista
Nagpalobo at lalong nagpayaman sa iilan lamang
Habang lubog at lalong naghirap ang karamihan.

Apaw ang kayabangan sa harap ng mamamayan
Bahag naman ang buntot sa mukha ng dayuhan
Mga kasapakat lamang sa kapangyarihan
Ang totoong lubos na pinaglingkuran
Kung kaya’t lalong naging bundat sa kayamanan.

Bulok na sistema pa rin ang namamayani sa bayan
Sistemang para lamang sa dayuhan at iilan
Samantalang ang nakararaming lugmok sa kahirapan
Nakukuba sa bigat ng mga problemang pinapasan
Kailangang palayain ng higanteng rebolusyonaryong kilusan.

Ang mga alipures