Pinakawastong Desisyon sa Buhay Ko
poemNoong ikaapat ng Mayo 1970
Sumapi ako sa Bagong Hukbong Bayan
Tunay na hukbo ng sambayanan
Nagsisilbi at mapagpalayang sandatahan
Alay nang buo sa kanilang karapatan at kapakanan.
Kapasyahan itong lubos na pinaghandaan
Tibay ng proletaryong kaisipan at pangangatawan
Nang sa pagsuong sa lagablab ng digmaang bayan
Mga sakripisyo at mga kahirapan
Kakayaning lahat na pangibabawan.
Bulok na sistemang panlipunan
Mula pagkabatang aming kinagisnan
Lalupa ng malawak na mamamayan
Pilipinas na mahal nating Inangbayan
Lugmok sa kaapihan at kadukhaan.
Dantaon nang mala-impyernong kalagayan
Durugin na at halinhan
ng bagong sistemang tunay na lingkodbayan
Tamuhin ang tunay na pambansang kalayaan
At tunay na demokrasyang bayan.