Sa Bagong-Upo sa Trono ng Malakanyang
poemAno ang aasahang tunay na pagbabago ng bayan
Sa matigas na sugo ng lumang lipunan
Na bagong-upong “hari” sa trono ngayon
At inaruga ng bulok na kaayusan Ng estado ng uring sakim sa kapangyarihan?
Ano ang aasahang tunay na pag-unlad ng kabuhayan
Sa umiiral na laganap na kahirapan
Labag sa kumunoy ng karukhaan
Na umiral pa sa mahabang nakaraan
Mula nang tayo’y sakupin ng mga dayuhan?
Ano ang aasahang tunay na kalayaan
Mula sa kuko at tuklaw ng mga dayong gahaman
Samantalang kasapakat sa pagpiga sa kabangyaman
Di man lamang nakanti ang masasamang trabaho hanggang kasalukuyan
Na iginapos sa buong sambayanan?
Ano ang aasahang matinong pamamahala
Sa isang diktadurya ang kinagisnan
Mula sa ama at sa pinalitan na Malakanyang
Na nasanay sa katulad na kagawian
At sinambang mga kaparaanan?
Ano ang aasahang patutunguhan ng ating bayang api?
Na ang hintuturo nitong daliri
Ay nakadireksyon salumang sitema at gawi
At kaayusang napatunayan nang maling-mali
Taliwas sa interes at kagalingan ng mga demokratikong uri?